Pinasalamatan ng pamunuan ng Department of Tourism si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, dahil sa hindi nito matatawarang suporta sa sektor ng turismo sa bansa.
Ayon kay Tourism Sec. Christina Frasco , nagresulta ito sa paglago ng kita ng bansa mula sa naturang sektor.
Aniya, sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. , ipinapatupad ang mga pro-tourism policies na kung saan ang pangunahing focus ay sustainable development ng mga tourism resources ng bansa.
Tinitiyak naman sa ilalim ng mga pulisiya ang kakuukulang pangangalaga sa mga komunidad.
Nakatutok rin ang mga pulisiya sa pagsasaayos ng mga imprastraktura at mga skills development programs.
Giit ni Frasco na sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno at ng administrasyon ay magpapatuloy ang paglago ng tourism sector ng bansa.