-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Tourism ang naging malaking kontribusyon nito sa paglikha ng mas maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

Ibinahagi mismo ni Secretary Christina Garcia-Frasco, ang kasalukuyang kalihim ng kagawaran na umabot sa 16.4 milyong manggagawa ang naitalang bilang na naimbag ng turismo sa Pilipinas.

Dahil dito, inihayag niya ang malaking pursyentong naibigay na may kabuuang 34% mula sa national employment rate ng bansa.

‘For 2024, umabot na sa 16.4 million Filipinos yung employed by tourism directly and indirectly, accounting for around 34% of our entire national employment’, ani Secretary Christina Garcia-Frasco ng Department of Tourism.

Kaya naman ang kalihim ng naturang kagawaran ay inihayag ang malaking papel ng turismo sa pagkakaroon ng mas maraming oportunidad para sa publiko.

Giit niya, ang industriyang ito ay maari ding ituring na isa sa mga pinaka-maasahan kung sakaling may biglang dumating na sakuna.

‘It is one of the most reliable industries that the Filipino people can depend on especially when faced with shocks such as climate risks, economic difficulties and the like’, ani pa ni Secretary Christina Garcia-Frasco ng Department of Tourism.

Kaugnay pa rito, sinabi ni Secretary Christina Garcia-Frasco na malaki din ang naitalang combined spending ng mga turista mula sa international at maging na rin sa mga turistang domestic.

Kung saan pumalo ito ng nasa 3.36 trillion pesos na kabuang kontribusyon para sa gross domestic product (GDP) ng bansa.