-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DoT) ang pagtaas ng kita sa local tourism sa unang anim na buwan ng 2019.
Base sa talaan ng ahensiya, mula Enero hanggang Hunyo 2019 ay mayroong kabuuang P245 billion na perang pumasok sa bansa mula sa local tourism.
Sa buwan pa lamang ng Enero ay mayroon ng mahigit P42 billion ang perang pumasok sa bansa.
Mas mataas ito ng 17.57% sa parehas din na buwan noong 2019.
Ang nasabing kita ay mula sa mahigit na 4.1 million na international tourists na bumisita sa bansa sa unang anim na buwan ng 2019.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, patuloy ang programa nila para sa pagkakaroon ng mataas na paggastos at programa para sa matagal na pagpapanatili ng mga turista sa bansa.