Kinilala ng Department of Tourism ang bansang China , Japan at South Korea dahil sa pagsuporta umano nito sa sektor ng turismo ng Pilipinas at sa pagsisikap nito na mapanatili ang malapit na ugnayan sa ating bansa.
Sa isang pahayag, binigyang diin ni Tourism Secretary Christina Frasco ang ipinakitang kabutihang loob ng tatlong bansa at umabot aniya ito sa ibat-ibat sektor ng lipunan kabilang na rito ang turismo.
Pinasalamatan ni Frasco ang bansang Japan dahil sa pagtutok nito sa Torismo base sa kultura, gastronomy at sustainability.
Dagdag pa ng kalihim na malugod na sinusuportahan ng kanilang ahensya ang ganitong hakbangin ng Japan at pinasalamatan sa mga inisyatibo nito upang gumanda ang transportation system ng Pilipinas pati na ang flood at disaster mitigation ng bansa.
Pinasalamatan din ng kalihim ang bansang china dahil sa pagtukoy nito sa Pilipinas bilang isa sa kanilang pilot areas para sa kanilang group tourism matapos buksan ng China ang kanilang boarders para sa outbound travel.
Batay sa datos, tinatayang aabot sa 169 milyong chinese nationals ang bumyahe palabas ng kanilang bansa patungo sa ibat-ibat distinasyon sa buong mundo.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Tourism Secretary Frasco sa bansang South Korea dahil sa longstanding partnership nito sa bansang Pilipinas at sa Korea Partnership Initiative for Sustainable Tourism o (KOPIST) na may layuning maitayo sa isang partikular na lugar sa ating bansa.