Pinasalamatan ng Department of Tourism ang mga ginagawang hakbang ng kongreso upang masiguro ang kapakanan ng Chocolate Hills.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco , ang ganitong hakbang ay tunay na kapuri puri.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasabay ng selebrasyon ng World Environment Day.
Giit ni Sec. Frasco, ang Chocolate Hills ay dapat lamang na maprotektahan dahil ito ay yaman ng bansa at bahagi ng ating national heritage .
Samantala, ang nabanggit na legislative effort ng Kongreso ay nakatuon isang collective responsibility para maging matibay ang pagbabantay sa mga unique natural wonder ng bansa.
Ito ay ang house bill number 10438 na layuning mas palawakin pa ang mga bumubuo sa protected area management board at iba pang aspeto.