Maglulunsad ngayon ang Department of Tourism (DOT) ng mga layover tours sa mga turista mula sa ibat ibang bansa na siyang mapapasyal sa Pilipinas.
Ayon kay DOT Secretary Christina Frasco, ang paglulunsad ng mga layover tours para sa mga turista at transiting passengers ay isang paraan lamang para maipakita at maiparamdam sa mga ito na nakarating na sila sa Pilipinas.
Aniya, katuwang ang Manila International Aviation Authority (MIAA) at ang New NAIA Infra Corporation (NNIC) ay mapapanatili ng kanilanga ahensya ang pagiging maka-Pilipino ng mga pasilidad sa NAIA para sa mas maaliwalas na pagbisita ng mga ito sa bansa.
Layon din ng layover tours na mas maipakilala pa ang kultura at kung ano din ang mga tampok na pasyalan sa loob ng pilipinas.
Samantala, ang paglulunsad ng mga ganitong klase ng tours ay maaaring ipatupad sa lahat ng terminals sa pamamagitan at tulong ng DOTr.