-- Advertisements --
image 532

Naabot na ng Kagawaran ng Turismo ang kabuuang 80% ng target nitong 4.8million na turistang papasok sa Pilipinas para sa kabuuan ng taong 2023.

Ito ay matapos maitala ang hanggang 3.8 million na tourist arrivals sa bansa, mula Enero hanggang Setyembre-19, 2023.

Ayon kay Secretary Christina Frasco, ang halos 4 na milyong turista na naitala ng Pilipinas ay tinatayang nakapag-ambag ng hanggang P316.9billion na revenue sa bansa.

Paliwanag ng kalihim, ang pag-angat ng turismo sa buong bansa matapos ang pandemiya, ay nagsimula pa noong 2022.

Sa naturang taon kasi aniya, nakapagtala ang Pilipinas ng hanggang 2.65million na international visitors.

Ito ay 66% na recovery rate at malayong mas mataas kumpara sa international rate na hanggang 54% lamang.

Ayon sa kalihim, naitala na ang hanggang sa 93% na pagrekober ng bansa, mula sa lebel ng turismo noong 2019, bago pumasok ang pandemiyang dulot ng COVID-19.