-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Tourism (DOT) na kanilang ipapasara ang mga resorts na walang inilalagay na mga first aid responders.

Ito ay matapos madiskubre ng DOT na ang Boracay at Siargao ay walang anumang nakalagay na emergency facilities.

Sinabi ni Tourism Assistant Secretary Maria Rica Bueno na ang mga hotels at resorts ay nire-required na magkaroon ng first aid responders bago sila mabigyan ng accreditation ng DOT.

Isa aniy itong pangunahing requirements na dapat maglagay ng mga well-trained first aid staff.

Nakipag-ugnayan na sila sa mga government officials na tiyakin ang presensya ng mga doctors at nurses sa iba’t-ibang tourist destinations.