-- Advertisements --

Suportado ng pamunuan ng Department of Tourism ang mga infrastructure projects ng gobyerno na magpapalakas sa industriya ng turismo sa bansa.

Ginawa ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco ang naturang pahayag kasabay ng pagdalo nito sa pagpirma ni PBBM sa mga kasunduan na mag-uupgrade sa mga paliparan at pantalan sa bansa.

Ayon kay Frasco, bahagi lamang ito ng Build Better More program ng Marcos Jr. administration.

Kabilang na dito ang modernisasyon ng mga paliparan sa Bohol, Siargao, at Dumaguete pati na ang Cebu International Container Port maging ang Cebu’s Bus Rapid Transit (BRT) system.

Ang naturang mga proyekto ay inimplimenta sa pamamagitan ng Public-Private Partnerships.

Layon nito na palakasin ang connectivity, mabasan ang siksikan sa mga terminal at mapaganda ang tourism experience sa bansa.