-- Advertisements --
Naiintindihan umano ng Department of Tourism (DOT) ang travel ban ng US sa Pilipinas dahi sa banta pa rin ng COVID-19.
Ayon sa DOT, nais lamang ng US na protektahan ang kanilang mga mamamayan para sila ay hindi mahawaan ng COVID-19.
Naniniwala rin ang nasabing ahensiya na inaalala lamang ng mga bansa ang mga kalagayan ng kanilang mamamayan kaya nagpapatupad ang mga ito ng travel ban.
Magugunitang inilagay ng US government sa Level 4 o pinakamataas na pagkakaroon ng COVID-19 kaya pinagbawalan nila ang mga mamamayan na bumiyahe sa Pilipinas.