-- Advertisements --
Balak ng Department of Tourism (DOT) na bawasan ang quarantine period ng mga umuuwing mga Filipino lalo na ang mga naturukan na ng COVID-19.
Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na kung maaari ay gawin na lamang itong pitong araw mula sa dating 10 araw.
Sa nasabing pagpapababa ng mga araw ng quarantine period ay tiyak na maraming mga Filipino na nasa ibang bansa ang uuwi na.
Sa dating 10 araw kasi ay maraming mga Filipino na nasa ibang bansa ang nawawalan na ng ganang umuwi dahil sa tagal na pananatili sa mga itinakdang quarantine hotels.
Inihalimbawa ng kalihim ang ginagawa na ngayon sa Thailand na binawasan na ang quarantine period ng mga naturukan na ng COVID-19.