-- Advertisements --

Dadalo ang delegado ng Department of Tourism sa gaganaping International Tourism Promotions sa Berlin, Germany.

Layon ng biyaheng ito na maipakilala ng bansa ang ipinagmamalaking tourism spots ng Pilipinas.

Kabilang rin dito ang layuning makapang-akit pa ng mas maraming foreign tourist sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na ang Tourism Promotions Board ng kanilang ahensya ang mangunguna sa pagdalo sa atlong araw na International Tourism Promotions sa Berlin.

Ito aniya ay isa sa mga malalaking international event na malaking tulong upang makahatak pa ng mas maraming turista.

Sinabi pa ng kalihim na ito ay malaking pagkakataon sa Pilipinas na mai-promote ang bansa sa international tourism market.