Kalibo Aklan–Nakatakdang magpulong sa araw ng Huwebes ang Department of Tourism upang mapag-usapan ang pagkakaroon ng direct flight mula South Korea papuntang Kalibo Intenartional Airport na siyang daanan ng mga turistang nagbabakasyon sa Isla ng Boracay.
Ayon kay Malay Municipal Tourism Officer Felix Delos Santos na mamayang hapon ay darating si DoT Western Visayas regional director (RD), Cristine Mansinares sa Boracay upang makipagpulong sa Korea’s Attache.
Noong buwan aniya ng Enero, pinalakas ng Pilipinas at South Korea ang kanilang tourism engagement sa gitna ng pandemya.
Samantala, inihayag din ni Delos Santos na sa ngayon hay muling nanumbalik ang ngiti ng mga manggagawa sa Isla dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang nga mga turista.
Aniya, mula March 1 hanggang 8 hay nakapagtala na sila ng kabuuang 37,298 na mga turista kung saan halos mayroong 3,000 hanggang 6000 na turista bawat araw na karamihan ay mula sa CALABARZON, Central Luzon, Central at Western Visayas.
Napag-alaman na sa ngayon hay 100 percent ng naibalik ang lahat ng mga water at sports activities sa Isla.