-- Advertisements --
RYAN OLIVA

Nababahala ang Department of Tourism (DOT) sa biglaang pagkawala ng isa sa mga opisyal nito na kinilala bilang si Atty. Ryan Oliva.

Si Oliva ay nagsisilbi bilang chief ng Legislative Liaison Uniyte ng tourism department. Napaulat itong nawawala at huling nakausap ng kaniyang pamilya noong Nobyembre 21.

Patuloy na nakikipag-uganayan ang ahensya sa Philippine National Police-Criminal Investigattion and Detection Group (PNP-CIDG), maging sa pamilya ni Oliva.

Hinihikayat naman ng DOT ang publiko na may impormasyon sa kinaroroonan ni Atty. Oliva na makipagtulungan sa PNP-CIDG o kaya naman ay tumawag sa kanilang hotline.

Humihingi rin ng panalangin ang ahensya para sa pamilya Oliva na maging tagumpay ang paghahanap at umapela rin ito ng respeto para sa pamilya ng abogado.