Nakipagpulong ang Department of Tourism (DOT) sa mga pangunahing stakeholder ng turismo sa Central Europe upang tuklasin ang mga oportunidad sa merkado sa hangaring pataasin ang mga bisita sa Pilipinas na magmumula sa rehiyon.
May dalawampung tourism movers mula sa Central Europe ang nag-alok ng kanilang napakahalagang mga insight at mungkahi sa mga paksang mula sa connectivity, training, at marketing and promotions para sa turismo.
Ayon kay Tourism secretary Christina Garcia Frasco, nais ng departamento na makatanggap pa ng mga turista na magmumula sa bansang Germany.
Dagdag niya na ang Germany kasi ang ika-11 pinakamalaking market ng Pilipinas para sa turismo noong nakaraang taon.
Ayon sa datos ng Department of Tourism, ang Pilipinas noong 2022 ay nakatanggap ng kabuuang 39,013 bisita mula sa Germany,
23,949 mula sa France,19,306 mula sa The Netherlands, 11, 092 mula sa Switzerland at 8,964 mula sa Belgium.
Una na rito, inihayag ng nasabing departamento na ang pangunahing destinasyon na dinadayo ng mga Germans ay ang Bohol, Palawan at Cebu.