Nakipagtulungan ang Department of Tourism (DOT) at Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang magbigay ng libreng legal na serbisyo sa mga accredited tourism stakeholders at frontline workers, lalo na ang mga mula sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs).
Inanunsyo nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at IBP National President Antonio Pido ang partnership na ito noong Huwebes sa 20th National Convention of Lawyers sa Cebu City.
Ayon kay Frasco, ang kasunduan ay nagpapakita ng layunin ng DOT at Integrated Bar of the Philippines na magsulong ng inklusibong pag-unlad at palakasin ang akses sa katarungan sa sektor ng turismo.
Kasama rin sa plano ang pagbuo ng 24/7 tourist courts upang mapabilis ang pagresolba ng mga isyu sa turismo sa mga pangunahing destinasyon sa bansa.