-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Tourism (DOT) ang mga turista lokal man o dayuhan na ugaliing tignan kung accredited ng kanilang opisina ang mga hotel at resort na kanilang tutuluyan.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, na inaasahan nilang tataas ang bilang ng mga magbabakasyon sa iba’t-ibang tourist destination ngayong Holy Week at ito ay sasamantalahin ng mga fly-by-night na mga resort.

Pinag-iingat din ng kalihim ang publiko ukol sa mga pekeng online booking na dapat suriing mabuti ang ka-transaksyon para hindi mabiktima ang mga ito.

Tiwala ang kalihim na tataas ang bilang ng mga turista na magtutungo sa iba’t-ibang resorts at sikat na beaches ngayong panahon ng tag-init.