-- Advertisements --
1200px Baguio Burnham Park lagoon 2018
IMAGE | Burnham Park, Baguio City/Wikipedia

Nag-abiso na ang Department of Tourism (DOT) hinggil sa nagmi-mitsang shutdown ng ilang beach resort sa Palawan at ilang atraskyon sa Baguio City kasunod ng rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

Aminado si Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na mismong mga opisyal ng local na pamahalaan ang humaharang sa kampanya ng gobyerno na panatilihing malinis ang mga tourist spots ng bansa.

Ayon sa kalihim, nakatakdang ipasara at hawakan ng national government ang kontrol sa ilang beach resorts ng Palawan kapag bigo pa ring maka-comply ang mga ito sa panuntunan bago matapos ang Mayo.

Pareho rin ang plano para sa Burnham Park ng Baguio.

“What we did in Boracay, we can do it in El Nido. That was the instruction of the President – just follow the law,” ani Puyat.

Sa ngayon plano raw ng pamahalaan na maglabas muli ng panibagong executive order hinggil sa implementasyon ng shutdown.

Hinihintay din daw ng Tourism department na aprubahan na sa susunod ng Kongreso ang panukalang batas na naga-amiyenda sa Local Government Code.