Pinagtibay ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang pangako ng Department of Tourism (DOT) na magkaroon ng aktibong papel sa pagsasakatuparan ng mga socioeconomic na patakaran, strategies, at mga programa na nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028.
Aniya, ang pagtukoy ni Pangulong Marcos sa turismo bilang prayoridad sa ilalim ng kanyang administrasyon ay malaking tulong sa muling pagbangon ng turismo ng ating bansa.
Kung matatandaan, inaprubahan ng Pangulo ang mahahalagang panukala na naglalayong pasiglahin ang mga aktibidad sa turismo at pataasin ang kaginhawahan sa paglalakbay sa bansa, kabilang dito ang pagsusulong ng Holiday Economics.
Sinang-ayunan din ni Pangulong Marcos Jr. ang Value Added Tax o VAT-refund program para sa mga dayuhang turista simula sa taong 2024.
Una na rito, binanggit ni Tourism Secretary Frasco ang matatag na pagsisikap ng departamento sa pagpapabuti ng mga mekanismo para sa pagpapaunlad ng turismo sa Pilipinas.