-- Advertisements --
Pinangunahan ng Department of Tourism ang inagurasyon ng kauna-unahang Tourist Rest Area sa lalawigan ng Antique.
Layon niyo na mapalakas pa ang sustainable tourism sa naturang probinsya.
Personal na dumalo si DOT Secretary Christina Garcia-Frasco para pangunahan ang groundbreaking ceremony ng naturang pasilidad sa Brgy. Aningalan, San Remigio.
Ayon kay Frasco, ang naturang palisidad ay alinsunod sa mga prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Paliwanag ng kalihim na ang itatayong TRA sa Antique ay ang pang labing anim ng TRA sa buong bansa at pangalawa sa Western Visayas.