-- Advertisements --
Pinuri ng Department of Tourism (DOT) sa inisyatibong ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Malay na nag-iimbestiga sa naganap na party sa sa Boracay na nagdulot ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Naglabas din ng memorandum ang Malay government para magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing business establishment na nagsagawa ng party.
Ayon kay Athena Magdamit ang hepe ng Municipal Health Office ng Malay na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay nakita sa mga lalaking manggagawa na dumalo sa party.
Mula aniya sa nasabing party lumipat na ang nasabing virus sa iba’t-ibang tao.