-- Advertisements --
image 58

Ikinagalak ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang pagsisikap ng Association of SouthEast Asian Nation o ASEAN sa paggamit ng lakas ng kultura para sa pagpapaunlad ng turismo mula iba’t-ibang bansa.

Pinuri rin ng Department of Tourism chief ang gawain ng mga national tourism organizations (NTOs) bilang driver sa paggawa ng Association of South East Asian Nation bilang powerhouse destination kumpara sa ibang mga rehiyon sa mundo.

Ipinahayag din ni Frasco ang kanyang pasasalamat sa pagsasama ng cruise tourism sa plano ng trabaho ng naturang asosasyon ngayong taon.

Inaasahan din ng departamento ang hindi bababa sa 139 na mga ports of call na bibisita sa 46 na mga mga destinasyon sa ating bansa.

Iginiit din ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na ang suporta para sa pagtulak ng Association of SouthEast Asian Nation (ASEAN) na tumuon sa pagpapanatili ng nature-based tourism ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pag-iingat sa mga destinasyon na magpapaunlad sa turismo ng Pilipinas.