DAUIN, NEGROS ORIENTAL – Pinangunahan ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia- Frrasco ang groundbreaking ng Hyperbaric Chamber Center kahapon, Pebero 3, sa Dauin Negros Oriental.
Ang naturang P80-million state-of-the-art project ay magtitiyak sa kaligtasan at kaginhawahan ng mga scuba divers dahil hindi na kailangang bumiyahe ng malayo ang mga ito para sa paggamot sa panahon ng mga emerhensiya.
Bukod sa decompression sickness, na kilala rin bilang barotrauma o bends, ang hyperbaric chamber na ito ay magagamit din para gamutin ang partikular na sugat at kondisyong medikal.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Secretary Frasco ang kahalagahan ng pamumuhunan sa sustainability ng dive industry at sa kaligtasan ng mga turista at divers.
Kasunod ng naturang groundbreaking, tinitingnan pa umano nilang tataas ang marketability at bilang ng turista sa Dauin maging sa mga kalapit na dive sites ng lalawigan.
Samantala, binabati naman ni Frasco ang lalawigan sa natamong paglago sa turismo lalo na sa arrivals na may halos 200% sa growth mula noong 2023.
Bukod dito, nakita rin nila ang kahalagahan ng pamumuhunan sa pagpapaunlad ng human capital.
Tiniyak naman nitong patuloy nilang suportahan ang Dauin, Negros Oriental, Apo Island at ang buong rehiyon sa usapin ng pagsulong ng turismo.