-- Advertisements --

Binuksan na mula sa publiko nitong Sabado, Disyembre 2, ang kauna-unahang tourist rest area sa bayan ng Dauis sa lalawigan ng Bohol.

Pinangunahan ni Department of Tourism Secretary Cristina Garcia Frasco, kasama ng iba pang opisyal ang blessing at inagurasyon ng 7-million peso na tourist rest area.

Katulad ng ibang mga inilunsad, ang TRA sa Dauis ay magbibigay ng kaginhawahan sa dumaraming turista na bumibisita sa isla, na tahanan ng world-renowned Chocolate hills at inaasahang maging isang magandang lugar kung saan maaaring magpahinga ang mga turista sa kanilang paglalakbay.

Magtatampok din ang establisyemento ng one-stop-shop para sa impormasyon at pasalubong center kung saan makakabili ang mga turista ng pinakamahusay na sample ng mga lokal at produktong Pilipino.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Department of Tourism Secretary Cristina Garcia Frasco na masaya itong nakabalik sa isla at binigyang-diin na ang pagkakaroon ng tourist rest area doon ay mapahusay pa ang karanasan sa turismo.

Maliban dito, mabigyan din ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyante na makabenta sa kanilang mga produkto.

Inanunsyo din ng kalihim ang pagtatayo sa karagdagang hindi bababa sa 18 tourist rest area para sa taong 2024.

Dagdag pa, ibinahagi din nito ang kamakailang paglulunsad sa Travel Philippines mobile app na nagtatampok sa lahat ng rehiyon ng bansa gayundin ang mga destinasyon at karanasan na maaaring maranasan ng turista.