Nangako si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco ng mas inklusibo at sustainable tourism industry para sa mga turista.
Sa isang mensahe, tiniyak ng kalihim ang pagbuo ng industriyang maglalaan ng mas maraming trabaho at mas magandang travel experience kapwa sa mga domestic o foreign tourists.
Mananatili aniya ang commitment ng DOT na pagbutihin ang sektor ng turismo para makasabay sa bagong panahon, at makapag-ambang sa kabuuang ekonomiya ng bansa.
Hinimok din ng kalihim ang publiko na panatilihin ang bayanihan spirit ang mga katangi-tanging tradisyon ng mga Pilipino.
Ayon kay Frasco, nagsilbi nang gabay ang mga ito upang malagpasan ang iba’t-ibang hamon sa mga nakalipas na taon, at naging pundasyon para lalo pang maghangad ng mas magandang kinabukasan.
Muli ay hinimok din ng kalihim ang publiko na mahalin ang Pilipinas kasabay ng pagmamalaki at pagpapakilala sa kagandahan ng bansa.