-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Department of Tourism ang mahigit P700-B na kinita ng sektor ng turismo ng bansa.
Ayon kay Tourism Sec. Christina Frasco, ang kitang ito ay nakapagbigay na ng libo libong trabaho sa mga mamamayang Pilipino.
Aniya, ang revenue na ito ay nagpapatunay lamang ng pagiging economic resilience ng Pilipinas.
Bukod dito ay nagbibigay rin ito ng pagkakataon sa lahat ng pamilyang Pilipino para umunlad ang kasalukuyang estado ng pamumuhay.
Hindi rin aniya maipagkakaila na malaki ang ambag ng tourism industry sa paglago ng ekonomiya ng bansa.