-- Advertisements --

Sineguro ng Department of Tourism ngayong araw ang pagpapatuloy ng kanilang naumpisahang branding campaign na ‘Love the Philippines’.

Ito ay matapos maibalik ng muli ang tinapyas sa kanilang budget allocation na nagkakahalaga ng 400 million pesos.

Sa isinagawang press conference ng naturang ahensya, tiniyak ni Secretary Christina Garcia-Frasco ng Department of Tourism na hindi mahihinto ang marketing campaign para sa turismo ng bansa.

Kaya naman, sinabi ng naturang kalihim na makakaasa ang publiko na mas mapapalawig ang global presence ng Pilipinas sa kanilang 500 million pesos kabuuang halaga para sa execution nito.

‘In the execution of the totality of 500 million is that we will continue our placements in the traditional, social media, as well as various channels all over the world’, ani Secretary Christina Garcia-Frasco ng Department of Tourism (DOT).

Kaugnay pa rito, ibinahagi din niya ang halaga ng mga nakaraang alokasyon sa branding budget ng turismo sa pagkukumpara ng mga taong 2023, 2024 at ngayong 2025.

Ikinabahala kasi nila ang malaking kabasawan sa nagging pondo ng ahensiya para sa kasalukuyang taon.

‘In 2023 the budget that was given to the DOT for branding, marketing, and promotions stood at 1.2 billion pesos, by 2024 that was slashed to only 200 million so we were concerned that by 2025 the branding budget was slashed further to only 100 million’, ani pa ni Secretary Christina Garcia-Frasco ng DOT.

Dahil dito, ang pagkabalik ng 400 milyong piso na budget para sa naturang alokasyon ay lubos nilang ikinalulugod at ipinagpapasalamat.