-- Advertisements --
Suportado ng Department of Tourism (DOT) ang panawagan na pagpapaiksi ng quarantine period sa mga fully vaccinated na international travelers.
Sinabi ni DOT Secretary Berna Romulo-Puyat na ang nasabing hakbang ay para na rin sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Isa rin itong mahalaga sa mga mamamayan na matagal ng nawalay sa kanilang mga mahal sa buhay lalo na ngayong nalalapit na ang Holiday season.
Base kasi sa guidelines ay ang mga manggagaling sa tinatawag na “yellow risk” ay dapat sumailalim sa 10 na facility based quarantine at apat na araw na home quarantine.
Magugunitang suportado ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang nasaibn pagbabawas ng quarantine period maging ang mga iba’t-ibang airlines company ng bansa.