Planong magpokus ngayon ng Department of Tourism na makapaghikayat pa ng mga turista mula sa bansang India.
Sa pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas, nais ng ahensya na bigyan ng kaukulang pansin ang mga Indian nationals na piliing dito na lamang bumisita.
Kung saan, ibinahagi mismo ni Secretary Christina Garcia-Frasco ng Department of Tourism, naging maliit ang kinalabasan at performance ng bansa kung ikukumpara sa dami ng mga turistang galing India.
Paliwanag niya, sa higit 5 milyong Indian travelers sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations, 79,000 lamang ang bumisita ng Pilipinas.
Dahil dito, mariing isinusulong ng ahensiya ang pagkakaroon ng VISA liberalization partikular sa kanilang tinutukang Indian market na papasok ng bansa.
‘And so we are aggressively advocating for liberalize policies in terms of VISA issuance for the Indian market coming into the country’, ani ni Secretary Christina Garcia-Frasco ng Department of Tourism.
Kaya naman, ibinahagi ng naturang kalihim na sila ay umaasa rin ng tulong mula sa mga direktiba ng Pangulo.
Sa kanya pang naging pahayag, sinabi niyang kritikal ang pagkakaroon ng liberalize policies ng VISA issuance upang maging isang globally competitive destination.