-- Advertisements --
image 123

Inilabas ng Department of Tourism (DOT) ang memorandum na hindi na kailangan ang pagsusuot ng face mask at pagpapakita ng patunay ng COVID-19 vaccination sa mga tourist spot sa Pilipinas.

Ayon sa ahensya, ang mga pinaluwag na alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa mga establisyimento ng turismo ay bahagi ng mga hakbang upang suportahan ang liberalisasyon ng pambansang pamahalaan sa mga paghihigpit sa COVID-19 sa bansa.

Sa kasalukuyan, ang pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor settings sa bansa ay boluntaryo na batay sa executive order na inilabas ng MalacaƱang noong Oktubre ng nakaraang taon.

Inalis na din ng Department of Tourism ang Memorandum Circular 2023-0002 na kinakailangan para sa mga tourism establishments na maglagay ng plastic, acrylic barriers, at dividers sa mga itinalagang lugar.

Ang pagluluwag ng COVID19 protocol ng naturang departamento ay magpapalakas sa karagdagang pagbubukas ng bansa sa mga turista at mga manlalakbay upang makabangon sa pagkakalugmok dahil sa halos tatlong taong pandemya.