ILOILO CITY- Tiniyak ng Department of Tourism na tutulungang makabangon ang Western Visayas matapos ang pananalasa ng Bagyo Ursula.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Helen Catalbas, regional dirctor ng Department of Tourism Region 6, sinabi nito na sa ngayon, patuloy ang kanilang ginagawang assessment sa epektong bagyo sa Northern Iloilo, Capiz, Aklan at Antique.
Ayon kay Catalbas, labis na naapektuhan ng bagyo ang Northern Iloilo kung saan makikita ang mga magagandang island resort.
Ngunit sa ngayon, nasira na ang lahat ng mga resort sa nasabing lugar at lubong pa rin sa tubig baha.
Sa Boracay island, marami ring mga nasirang cottages at hindi pa pinapayagan na pumapalaot ang mga pumpboat.
Sa Northern Antique naman, may ilang mga resort rin na sinira ng malakas na hangin.
Positibo naman ang Department of Tourism na makakabangon ang mga lugar na naapektuhan ng bagyo sa Western Visayas.