Tiniyak ng Department of Tourism sa publiko na nananatiling buo ang kanilang commitment sa pagsusulong ng sektor ng turismo sa Pilipinas.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ito ay sa kabila ng mga kasalukuyang kinakaharap na hamon ng bansa noong nakalipas na taon.
Kumpiyansa ang kalihim na lalo pang gaganda ang industriya ng turismo sa Pilipinas ngayong taon.
Paliwanag pa ng kalihim na malaki ang naging epekto ng geopolitics sa rehiyon sa bilang ng mga turista na pumasok ng bansa noong nakalipas na taon.
Kabilang na dito ang mga Chinese na pina deport ng gobyerno dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na operasyon ng POGO.
Nanawagan naman ng suporta ang ahensya sa publiko para sa kanilang mga programa na makatutulong sa paglago ng sektor ng turismo at ekonomiya ng bansa.