-- Advertisements --

Tiwala si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na mabilis na makakabawi ang turismo dahil sa epekto coronavirus.

Ayon kalihim na sa bahagyang pagbubukas na ng ibang mga lugar sa bansa ay hindi malayong tataas na ang bilang ng turismo sa bansa.

Patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang stakeholders para sa muling pagbubukas ng turismo sa bansa.

Magugunitang noong Mayo ay inamin ng DoT na bumagsak ang turismo sa bansa ng 35% dahil sa pandemic.