-- Advertisements --

Pumirma na ng kasunduan ang Department of Transportation at Manila Electric Corporation para sa power distribution sa Metro Manila Subway Project.

Labis naman ang pasasalamat ni DoTr Secretary Jaime Bautista sa Meralco dahil sa kanilang suporta ay nalalapit ng maging makatotohanan ang proyekto.

Nakasaad sa kasunduan na ang sasaklawi nito ang 1,742 square-meter na switching station area para sa power resource ng proyekto.

Itatayo aniya ang pasilidad sa Valenzuela depot kung saan ang Meralco ang siyang magpi-finance, magtatayo, at magkontrol sa mga kinakailangan pasilidad sa mga Switching stations.