-- Advertisements --
Nagbigay ng paalala ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na mensahe na nagpapanggap bilang si Transportation Secretary Vince Dizon at mga staff nito sa isang private messages at ilang mga social media platforms.
Sinabi ng kalihim na hindi sila nagsasagawa ng opisyal na transaction sa mga channels na hindi kinikilala ng ahensiya.
Hinikayat nito ang publiko na huwag ng pansinin ang anumang mensahe at maaring ipag-alam sa kanilang opisina.
Hindi na nagbigay pa ang ahensiya kung sino ang nagpapakalat ng nasabing modus.