-- Advertisements --

Bumuo ngayon ng special commitee ang Department of Transportation (DOTr) para araling muli ang inisyatibo ng gobyerno na magpatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP) o mas kilala bilang PUV modernization program.

Base sa inilabas na special order ni Transportation Secretary Vince Dizon, ang komite ay naglalayon na makipagugnayan at magsagawa ng konsutasyon sa iba’ ibang stakeholders, suriin at aralin ang kasalukuyang estado at progreso ng PTMP at alamin ang mga isyu na may malaking impact sa programa.

Inaashan din ng kalihim na ang task force na kaniyang bubuuin ay makakapagbigay ng on time updates tungkol sa mga rekomendasyon sa Office of the Secretary (OSEC) sa loob lamang ng isnag linggo mula sa issuance ng order na ito.

Kailangan din tiyakin ng task force na mas mapapabilis ang implementasyon ng PTMP sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tungkulin at layunin nito.

Samantala, pamamahalaan naman ni DOTr Undersecretary for Road Transport and Non-Infrastructure Ramon Reyes ang naturang task force kasama si Office of the Transportation Cooperative at broadcaster Mon Ilagan.