-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni DOTr Secretary Vince Dizon na bubuo sila ng specialn task force na siyang magrereview ng mga polisiya at mga hakbang sa road safety na may layon na magpatupad ng mga posibleng reporma.

Ayon kay Dizon, epektibo na ngayong araw ang pagbuo ng naturang task force para gawing mas maayos at epektibo ang pagpapatupad ng mga road safety policies at procedures sa bansa.

Aniya, bubuuin ng mga personel mula sa kanilang tanggapan ang special task force at ilang mga opisyal rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mula rin sa Land Transportation Office (LTO).

Paliwanag ni Dizon, dapat na seryosohin ng publiko lalo na ang mga motorista na lulan ng mga malalaking sasakyan, mga bus at maging ng mga trucks.

Ito ay matapos na marteview ng kalihim ang matas na bilang ng mga isnidenteng may kinasasangkutan ng mga ganitong uri ng sasakyan.

Aniya ang polisiya na meron ngayon ang kanilang tanggapan at ilang pang related agencies ay nakikitang hindi epektibo dahil sa mataas na bilang ng mga aksidente sa lansangan.

Samantala, layon din ng task force na ito na alamin at sipatin ang pagiging roadworthy ng mga sasakyan at pagreview na rin ng ilang mga qualifications ng mga bus at truck drivers.