-- Advertisements --
Nagbaba na ng direktiba si Transportation Sec. Arthur Tugade sa ibang mga railway authority na i-absorb o i-hire ang ilang mga kuwalipikadong empleyado ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) operator Light Rail Manila Corp. (LRMC) na na-lay off.
Sa isang pahayag, sinabi ni Tugade na kanya nang inatasan ang Philippine National Railways (PNR), Light Rail Transit Authority (LRTA), at ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na kunin ang “qualified retrenched employees from LRT1.”
Nitong Martes, nasa 170 empleyado ng LRT-1 ang mawawalan ng trabaho dulot ng pandemya.
Pumalo kasi sa halos 90 porsyento ang nabawas na mga pasahero ng mga tren bunsod ng ipinatutupad na social distancing at health protocols dahil sa COVID-19.