-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nakahanda na rin ang Department of Transportation (DOTr) -Cordillera para sa pagbubukas ng klase sa mga parapublikong paaralan sa Hunyo 3.

Ayon kay Atty. Jonnel Urbanuso mula sa DOTr-Cordillera, sa pamamagitan ng Opkan Balik Eskwela 2019 ay kanilang tututukan ang iba’t ibang kalsada sa Cordillera Administrative Region lalo na yaong mga patungo sa mga paaralan.

Inihayag nito na pangunahing tututukan ng ahensiya ang kaligtasan ng mga motorista at mga estudyante.

Aniya, magpapakalat ang DOTr ng mga Transport Traffic Enforcers para matiyak ang pagsunod ng mga drivers sa mga batas trapiko para walang mapahamak.

Muli ay ipinaalala ng DOTr ang pagsunod ng mga drivers sa pagbibigay ng diskwento sa pamasahe ng mga estudyante.