-- Advertisements --
image 547

Hiniling ng isang mambabatas kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na magmungkahi ng isang solusyon na maaaring makaiwas sa napipintong transport strike.

Ginawa ni Senator Grace Poe ang panawagan kasunod ng banta ng jeepney transport group sa Quezon City na magsagawa ng isang linggong strike sa susunod na linggo laban sa modernization program ng Department of Transportation.

Aniya, hindi dapat balewalain ng gobyerno ang mga reklamo ng mga jeepney driver at dapat panatilihing bukas ang linya ng kanilang komunikasyon sa ganitong mga issue.

Muli umanong nananawagan ang mga mambabatas sa Department of Transportation at Land Transport Franchising and Regulatory Board na magsumite ng update sa naturang modernization program.

Naalala ni Poe na binanggit ni Bautista na walang kinatawan ang departamento maliban sa mga mula sa natueang board noong nakaraang konsultasyon.

Inaasahan umano ng senadora na mismong si Transportation Secretary Bautista ang lalahok at personal na makikipagpulong sa iba’t ibang transport groups sa lalong madaling panahon at marinig ang kanilang mga alalahanin ukol sa naturang issue.