-- Advertisements --
Mayroong apat na karagdagang bagon ang MRT-3 simula ngayong araw Hunyo 1.
Sinabi ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugadge na dahil sa karagdagan ay mayroon ng 19 na bagon ang babiyahe.
Nangangahulugan nito na mayroong mas maraming bagon ang babiyahe at madadagdagan ang mga mananakay kahit na limitado ang kapasidad.
Mas magiging mabiis din ang takbo ng mga bagon na ngayon ay 40 kilometers per hour mula sa dating 30 kph.
Pinaalala din nito ang pagpapatupad ng mga physical distancing sa mga sasakay at maghihintay sa ng mga MRT.