-- Advertisements --
Hinigpitan ng Department of Transportation (DOTr) ang seguridad sa mga stasyon ng Light Rail Transit (LRT) at Manila Metro Rail Transit (MRT) dahil sa ulat na pagdami ng mga krimen.
Ayon sa DOTr Rail Sector, nakakatiyak sila na hindi na mauulit pa ang mga pangyayari at lahat ng mga inisyatibo ay kanilang ginagawa para masawata ang anumang krimen.
Ilan sa mga ginagawa nila ay ang pagpapakalat ng train marshall, mahigpit na koordinasyon sa mga kapulisan, paglalagay ng mga dagdag na CCTV at pagdagdag ng mg K9 units.
Base sa pinakahuling datos ng DOTr na mayroon silang naitalang 67 na pandurukot sa kabuuang 44 milyong pasahero ng LRT-1 mula Enero hanggang Hulyo habang mayroong 35 na kaparehas na insidente sa LRT-2 at 250 insidente naman sa MRT-3.