Gumawa ng unang hakbang ang Department of Transportation (DOTr) tungo sa pagsasapribado ng mga asset ng transportasyon sa pag-tap sa isang multilateral na institusyon upang maghanap ng private operator para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nilagdaan ng departamento at Asian Development Bank (ADB) ang mga transaction advisory service agreement para sa modernisasyon at pagpapalawak ng Ninoy Aquino International Airport, gayundin para sa operations and maintenance segment ng Metro Manila Subway Project (MMSP) at North- South Commuter Railway (NSCR).
Tutulungan ng Asian Development Bank ang Department of Transportation sa pagbuo ng technical, financial, commercial at legal study kabilang ang traffic report at market sounding, para sa privatization ng naturang paliparan.
Makikipagtulungan din ang ilang multilateral institution sa nasabing departamento mula sa paghahanda hanggang sa paglagda ng concession deal sa magiging operator ng Ninoy Aquino International Airport.
Ang Asian Development Bank ay tutulong din sa pagbuo ng kapasidad ng mga operator sa hinaharap at sa pamamahala ng iba pang mga proyekto para sa bansa.