Handang umalalay ang Department of Transportation sa mga operators ng pampasaherong jeepneys sa ulat na magkakaroon ng 400 percent na pagtaas ng pamasahe dahil sa PUV modernization program.
Kasunod ito sa naging pahayag ng non-profit organization an IBON Foundation na dahil sa isinusulong ng gobyerno ng privatization at corporatization ay pinangangambahan ang pagtaas ng pamasahe ng hanggang 400 percent sa mga susunod na taon.
Ayon naman kay DOTr Undersecretary Timothy John Batan, na maaring ang tinutukoy ng grupo ay ang ilang bahagi ng modernization program na nakasaad na ang mga traditional jeepney ay papalitan na ng modern jeepneys.
Ang nasabing probisyon ay pinalitan na ng gobyerno para mabawasan ang pasanin ng mga jeepney operators.
Ilan sa mga maaaring tulong ay ang pagtaas ng subsidy na kanilang ibinibigay para makatulong sa halaga ng modernized jeepney na nagkakahalaga ng mula P2.3 milyon hanggang P2.8-M.