Handang ipagtanggol ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang panukalang pagdagdag ng passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan.
Ayons sa DOtr, sa darating na Oktubre 28 ay isasagawa nila ang pagdepensa sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ayon kay Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Steve Pastor na nagsumite na sila sa IATF ng kanilang position paper para sa nasabing planong pagdagdag ng mga bilang ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
Isa itong nakikita ngayon ng DOTr ng paraan para matulungan ang mga drivers at operators ngayong panahon ng pandemya at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.
Ilan sa mga dahilan kasi ng DOTr na gawin na lamang 100% mula sa dating 50% ay dahil nasa Alert Level 3 na ang Metro Manila na pinapayagang ang mas maraming negosyo ang nagbukas.
Malaki aniy sa populasyon ng Metro Manila ay bakunado na laban sa COVID-19 at lahat aniya ng mga pampasaherong sasakyan ay well-ventillated.
Nagsagawa na rin aniya ng pag-aaral ang DOTr na hindi nagdudulot ng hawaan ang mga pampasaherong sasakyan.