Nanindigan ang Department of Transportation na wala nang extension na gagawin ang pamahalaan hinggil sa December 31, 2023 deadline para sa franchise consolidation.
Iginiit ni Transportation Undersecretary Timothy John Batan, tagapagsalita sa usapin ng PUV Modernization ng LTFRB, hindi anya nagbabago ang desisyon ng pamahalaan sa itinakdang deadline ng consolidation ng mga pampasaherong dyip hanggang sa pagtatapos ng taon.
Ito aniya ay sa kabila ng mga hiling ng mga jeepney group na ma-extend pa ang nakatakdang deadline.
Samantala, nananatili namang positibo ang mga transport group na magpapalabas ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order.
Ayon kay Piston President Mody Floranda, umaasa silang papanigan sila ng hustisya.
Matatandaang inihain nila kasama ang ilang transport group sa Korte Suprema ang petisyon na pumipigil sa implementasyon ng nasabing programa.
Ipinanawagan ng grupo sa Korte Suprema na ideklarang null and void ang nasabing modernization program.
Nilinaw naman ng LTFRB na walang mangyayaring Phase out sa mga traditional jeepney pagnatapos na ang nakatakdang deadline.