Humiling ng karagdagang tulong ang Department of Transportation (DoTr) sa PNP at sa publiko para maisumbong sa kanila ang mga lumalabag sa heatlh protocols na ipinapatupad sa mga pampublikong sasakyan.
Sinabi ni DoTr Undersecretary Ochie Tuazon na limitado ang tauhan nila para sa masita ang mga lumalabag kaya mararapat ang tulong ng publiko at mga kapulisan.
Hindi naman ikinaila ng DoTr na hindi nila nasisita ang mga lumalabag sa protocols gaya ng hindi nagsusuot ng face mask at face shield ganun din ang pagsasagawa ng distancing.
Sakaling may mga masita ay kanila itong pagpapaliwanagin bago sila patawan ng multa.
Kasama ng DOTR na aktibong sumisita ay ang Inter-Agency Council for Traffic o IACT na kadalasang nasisita ay mga driver at mga konduktor.
Mabilis din na tinutugunan ng DoTr ang mga sumbong na ipinaparating sa kanilang mga mga social media.