-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Transportation sa grupong Manibela na magkaroon ng dialogo.

Kasunod ito sa planong tatlong araw na transport strike ng grupo sa darating na Marso 24.

Ayon sa DOTR, na dapat ay alalahin ng grupo ang kahinatnan ng tigil pasada kung saan maraming mga pasahero ang maapektuhan.

Maging ang mga drivers at operators ay apektado rin dahil sa mawawalan sila ng kita.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOTr sa iba’t-ibang ahensiya at local government units para makapagbigay ng libreng sakay sa mga maapektuhang pasahero.