-- Advertisements --
Hiniling ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na dapat ibigay ng libre ng mga local government unit (DOTr) sa mga mananakay ang beep card.
Ayon sa kalihim, karamihan sa mga mananakay ay kakabalik lang sa trabaho matapos ang ipinatupad na lockdown kaya hirap pa sila sa pera.
Magugunitang iminungkahi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga pumapasadang bus sa bansa ay ipatupad na ang beep card system para maiwasan ang direct contact sa mga pasahero at hindi na kumalat pa ang coronavirus.
Mula nang ipatupad ang nasabing patakaran ay maraming mga mananakay ang umalma dahil sa dagdag pahirap pa sa kanila ang mga ito.