-- Advertisements --
DOTr BAUTISTA

Humihingi ng financial support ang DOTr sa mga pribadong sektor kaugnay ng konstraksyon at implementasyon ng mga transport projects at programs sa buong bansa.

Paliwanag ni DOTr Sec. Jaime Bautista, marami umanong mga proyekto ang ahensya ngunit limitado raw ang pondo ng nito kaya nais niyan i-tap ang mga private sectors.

Ayon pa kay Sec. Bautista, mayroong mga big-tickets transport projects tulad ng rail, aviation at road sectors na maaaring e-integrate ang Public Private Partnership.

Iminungkahi ni Bautista ang EDSA Busway privitization bilang isa sa mga posibleng Public Private Partnership pati na rin ang mga construction ng Bus Rapid Transit sa Cebu at Davao.

Dagdag pa niya ay ang sa aviation projects tulad ng pagsasaayos ng Ninoy Aquino International Airport at iba pang malaking paliparan kabilang na ang Clark, Bulacan at Sangley.

Malaki rin daw ang maitutulong ng Public Private Partnership pagdating samga railway projects tulad ng North-South Commuter Railway (NSCR), Metro Manila Subway Project (MMSP), MRT-7, LRT-1 Cavite Extension Project, at South Long Haul Project.